The official website of the Wild Bird Club of the Philippines
The official website of the Wild Bird Club of the Philippines

Back to Home

Pamalakaya, pinayagan ng Korte Suprema na makialam sa Manila Bay reclamation case

By dzmm.com.ph
10/10/2012, 19:47 PM

Pumayag ang Korte Suprema na makialam ang grupong Pamalakaya sa kaso kaugnay ng Las Piñas-Parañaque Reclamation Project.

Sa en banc resolution na may petsang Setyembre 18, isinali na rin ng Korte Suprema ang Pamalakaya at 11 pang grupo sa petisyon ni dating Las Piñas Representative Cynthia Villar at mahigit 300,000 residente ng lungsod sa pagkontra sa nasabing proyekto ng Philippine Reclamation Authority at ng All Tech Contractors Incorporated.

Sa inihaing motion for intervention ni Atty.Minerva Lopez, abogado ng Pamalakaya at ng 11 iba pang grupo, iginiit ng mga ito na ang P14 bilyon Las Piñas-Parañaque Reclamation Project na kinasasangkutan ng 203.43 hectares ng Parañaque coastal territory at 431.71 hectares ng Las Piñas ay matinding banta sa kabuhayan ng maliliit na mga mangingisda na umaasa lamang ng kanilang ikabubuhay sa Manila Bay.

Sinabi naman ni Atty. Frank Chavez,abogado ni Villar na makabubuti ang nangyari dahil lalong lumakas ang kanilang pagtutol sa nasabing proyekto.

Itutuloy kaninang alas-2:00 ng hapon ng 3rd division ng Court of Appeals ang pagdinig sa nasabing kaso.